top of page

1. Ano ang mga serbisyong handog ng OB Station?

Ang OB Station ay isang klinika na binuo  unang-una para sa mga kababaihan, bata man o matanda, buntis man o hindi. Handog nito ay konsultasyon sa aming magagaling na OB-GYN doctors. Kasama din sa aming serbisyo ang pagpapaanak ng normal, cesarean o VBAC sa aming birthing center (OB STATION PLUS) at affiliated hospitals, surgical procedures o pagopera ng mga bukol at iba pang problemang pangkababaihan, ultrasound, laboratoryo, electronic fetal monitoring, pagbabakuna at konsultasyon sa iba pang doktor tulad ng Pediatrician at Surgeon para sa kalusugan ng buong pamilya. 

2. Sino ang mga maaring magpakonsulta?

Buong pamilya (Nanay, Tatay, Anak) ay pwede magpakonsulta sa aming magagaling na doktor: OB-GYN, Pedia, Surgery at Internal Medicine doctors.

3. Magkano ang bayad sa konsultasyon at ultrasound?

Ang regular price ng konsultasyon sa mga doctors ay 700. Sa mga ultrasound services naman, nagsisimula po sa 1100 pesos ang isang procedure depende po sa request ng inyong docktor o midwife.

4.  Nagpapaanak po ba kayo?

Lahat pong klase ng pagpapaanak at operasyon sa mga kababaihan ay ginagawa po ng ating mahuhusay na doktor sa aming birthing center (OB STATION PLUS) at hospital affiliations na malapit sa klinika. Kasama sa ginagawang operasyon ng aming mga doktor ang pagtanggal ng mga bukol sa pwerta, matris, obaryo, tubo, at cervix. (Genital warts, polyp, myoma/fibroids, endometrial cancer, ovarian tumors, tubal ligation, ectopic pregnancy, endometrial biopsy, hysterectomy, vaginal 'flower" repair, at marami pang iba.

5.  Magagamit ba namen ang Philhealth o HMO sa panganganak o pagkinailangan mahospital?

Ang inyong Philhealth benefits ay pwedeng magamit kung kayo ay manganganak sa birthing center man o hospital, pati na rin sa iba't ibang klase ng operasyon. Kung kayo man ay may health card, maari nyo din itong magamit kung kayo ay kailangang iadmit sa hospital. 

6.  Ano ang mag hospital affiliations ng OB Station?

Lahat ng malalapit na hospital sa aming klinika ay affiliated ang aming mga doktor.  Kasama dito ang FEU-NRMF Medical Center, Padre Pio Maternity Hospital, General Miguel Malvar Hospital, New Era General Hospital, Diliman Doctors' Hospital, Metro Antipolo Medical Center at Grace Medical Center. 

7.  Nagtatanggap po ba kayo ng walk-in?

Opo. Welcome po ang bagong pasyente kahit walk-in.  Pero mas gusto po naten na mag-book kayo ng appointment para sigurado ang inyong slot. 

OB Station Clinic and Ultrasound:

​2/F Plaza 8 Building, Soliven Street, Commonwealth Ave., Quezon City

​​​​

OB Station Plus Birthing Suite:​

      (24 Hours Open)

Lower Ground, The Shire Building, Commonwealth Ave., Quezon City

​

BRANCH 1

​

OB STATION CLINIC AND ULTRASOUND:​

​Call us at 0917-803-5937

​

BRANCH 2

OB STATION PLUS BIRTHING SUITE:​

​Call us at 0920-927-7557

Opening hours

Mon-Sat: 9:00 AM - 6:00 PM

Sun: 9:00 AM - 5:00 PM

bottom of page